^

Police Metro

Sanggol na itinapon, nailigtas sa kahol ng aso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naisalba ang buhay ng isang premature na sanggol sa kahol ng aso matapos na itapon ito ng kanyang menor-de- edad na ina sa basurahan kamakalawa sa Brgy. Labangon, Cebu City.

Sa salaysay ng isang ginang na dakong alas-6:00 ng umaga nang marinig niya ang walang tigil na pagkahol ng aso sa tumpok ng mga basura.

Inakala ng ginang na pusa ang tinatahulan nito kaya’t napilitan siyang bumangon upang itaboy ang hayop at laking gulat nito ng mabungaran ang duguan pang sanggol na walang saplot.

Agad namang uma­lerto ang mga tanod at nasakote ang isang 17-anyos na babae na big­la na lamang kumaripas ng takbo kung saan nakita sa hita nito ang umaagos pang dugo.

Hinabol ng mga tanod ang dalagita at dinala sa hospital gayundin ang itinapon niyang sanggol  matapos na isilang na nasa 7 buwan pa lamang.

 

vuukle comment

BRGY

CEBU CITY

HINABOL

INAKALA

ISANG

LABANGON

NAISALBA

NITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with