^

Police Metro

Affidavit ni Napoles pinalalabas

Doris Franche-Borja - The Freeman

MANILA, Philippines - Hiniling ng Whistleblowers Association sa Korte Suprema na atasan si  Justice Secretary Leila De Lima na isapubliko ang affidavit ni Janet Lim-Napoles na kung saan ay naroon ang mga kilalang pulitiko na idinadawit nito sa multi-bilyong pork barrel scam.

Sinabi ni Sandra Cam, pangulo ng grupo, maghahain na sila ng mandamus sa SC sa susunod na linggo dahil sa gusto nilang maikumpara ang listahang hawak ni De Lima sa “pork list” na ibinigay sa kanila ng isang indibidwal na malapit sa pamilya Napoles.

Binatikos nito si De Lima  sa anya’y pagtatago ng katotohanan sa taumbayan.

Tiniyak ni Cam na  ipaglalaban nila ang kanilang posisyon dahil sila ang  liliit sa paningin ng taumbayan.

Hinimok na rin ng Whistleblowers Association ang ibang grupo na sabayan sila sa paghahain ng mandamus para maobliga ang administrasyong ilabas ang mga dokumento.

Giit ng grupo, kailangan nang mailabas sa lalong madaling panahon ang affidavit ni Napoles para malaman na ng taumbayan ang nilalaman nito.

Tinututulan naman nila ang napabalitang hirit ni Napoles na ibaba ang kanyang kaso para makapagpiyansa.

BINATIKOS

DE LIMA

GIIT

HINILING

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

KORTE SUPREMA

NAPOLES

SANDRA CAM

WHISTLEBLOWERS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with