Pangulong Marcos sa ASEAN countries: Travel Forward Together

MANILA, Philippines — Sa pormal na pagbubukas ng 49th ASEAN Summit nitong Linggo ay nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng 11 bansang kasapi ng ASEAN na magkaisa at “travel forward together”.
Ginanap ang seremonya sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan ang Pilipinas ang nagsisilbing tagapangulo ngayong taon.
Sa kanyang talumpati na nakaugnay sa temang “Navigating Our Future, Together”, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kabila ng pagkakaiba-iba sa laki, kasaysayan at kultura ay sama-samang isulong ang kaularan ng rehiyon.
Sinabi pa ni Marcos na nagtitipon ang mga lider ng ASEAN bilang magkakapantay na bansa, dala ang pag-asa ng kani-kanilang mamamayan at ang iisang responsibilidad na maisakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng sama-samang layunin.
Giit pa ng pangulo na ang simbolismo ng balangay, na isang sinaunang sasakyang pandagat ng mga Pilipino na ginamit sa logo ng summit ay sagisag ng sama-samang paglalakbay at pagkakaisa ng mga bansa rehiyon.
Kabilang aniya sa mga hamong kinakaharap ng ASEAN ay ang tumitinding geopolitical tension, kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, mabilis na pag-unlad ng mga bagong teknolohiya, climate change at transnational threat.
Sa kabila ng mga hamong ito, sinabi ni Marcos na pinili ng mga delegado na magtungo sa Maynila para sama-samang harapin ang kinabukasan at ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa mas matatag at nagkakaisang rehiyon.
Kaya sa halip aniya na kanselahin ang summit ay nagpasya ang mga miyembro na ito ang pinakamatamang panahon para magkaisa at magtulungan ang mga bansang kasapi ng ASEAN dahil walang bansa ang ang nagtataglay ng lahat ng katangian.
- Latest















