Kuya ginilitan ni bunso, dedo
MANILA, Philippines – Hindi na umano mapigilan ng isang 22-anyos na lalaki ang kanyang galit kaya’t nagawa nitong gilitan sa leeg ang kanyang 28-anyos na kuya sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Tabid, Ozamiz City, Misamis Occidental, kamakailan.
Ang nasawi biktima dahil sa tinamong malalim na sugat sa leeg ay kinilala lamang sa pangalang Jon. Habang ang suspek ay ang bunsong kapatid na si alyas “Jun.”
Sa report ng Ozamis City Police, bago nangyari ang krimen bandang ala-1:35 ng hapon nitong Nobyembre 22 ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang magkapatid dahil sa umano’y laging pagbabanta ni Jon sa kaniyang pamilya sa tuwing mainit ang ulo nito.
Dahil dito ay nagdilim ang paningin ng suspect na kumuha ng kutsilyo sa kusina at ginilitan sa leeg ang nakatatandang kapatid hanggang sa ito ay mamatay at agad tumakas.
Nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad at nasakote ang suspek sa kaniyang pinagtataguan sa Brgy. Guimad ng lungsod at nasa kustodiya na ng pulisya.
- Latest















