^

Police Metro

Pulis todas, 1 sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa
Pulis todas, 1 sugatan sa ambush
Map of the Lanao del Norte showing the location of Sapad
Wikipedia / Mike Gonzalez

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang intelligence officer ng pulisya habang ang kanyang kasama ay nasugatan nang sila ay paulanan ng bala habang sakay ng sasakyan ng hindi pa nakilalang mga suspek sa highway ng Brgy. Baning, Sapad, Lanao del Norte noong Biyernes.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si P/Corporal Mark Freddie Dar Gliam, miyembro ng Philippine National Police Regional Intelligence Unit 10 (RIU-10).

Ang nasugatang kasama nito ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa ulat ng Lanao del Norte Police, bago nangyari ang ambush sa nasabing lugar, alas-12:00 ng tanghali ay lulan ang dalawang pulis ng isang kulay dilaw na Ford Fiera nang sila ay paulanan ng mga bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na nasa tabi ng highway nasabing lugar.

Nasapul ng mga tama ng bala si Gliam na siyang kumitil sa buhay nito habang isinugod naman ng nagrespondeng rescue team sa pagamutan ang kasamahan nito.

Ang mga armadong suspect ay mabilis namang nagsitakas.

Nagsagawa ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang mga suspek.

LANAO DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with