E-subpoena inilunsad
MANILA, Philippines - Agad na mapapabilis ang pagdadala ng subpoena at court notices sa pamamagitan ng internet matapos na ilunsad ang ‘e-subpoena system’ kahapon sa Camp Crame.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na ang “e-subpoena system†ay naglalayong palakasin pa ang sistema ng hustisya ng pamahalaan kung saan ang bawat subpoena na inisyu ng korte ay dapat makaraÂting kaagad sa imbestigador na humahawak sa kaso.
“Matitiyak nito na makakarating sa tamang tao ang mga subpoena, maging sa malalayong lugar,†paliwanag pa ng Kalihim na iginiit pang magkakaroon ng katuparan ang kautusan ni PaÂngulong Aquino na tiyakin ang pagkakaroon ng hustisya at hindi basta magtiis na lamang.
Dumalo rin sa paglulunsad ng “e-subpoena system†sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Justice Secretary Leila de Lima sa memorandum of agreement para dito.
Sinabi ni Roxas na kung sa postal service o hand carry mails dadaanin ay 10-15 araw bago makarating ang subpoena, samantalang sa pamamagitan ng e-mail ay higit na mabilis at sa isang click lang ng ‘mouse ‘ ay matatanggap na ito.
- Latest