^

Police Metro

NDRRMC chief nag-resign

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa gitna na hindi pa natutuldukang kontro­bersya sa umano’y libo pang biktima ng bagyong Yolanda na nanalasa sa Visayas Region partikular na sa Leyte at Samar noong Nobyembre 2013  kung saan  mahigit lamang sa 6,300 ang ibi­nigay na opisyal na tala ang namatay ay nagbitiw na sa puwesto si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Eduardo del Rosario.

 Kinumpirma ni NDRRMC Spokesman Major Reynaldo Balido sa Defense Press Corps  ang pagbibitiw ng kaniyang boss sa puwesto na ang ‘resignation letter’  ay isinumite nito sa tanggapan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin noon pang Abril 24, 2014.

Ayon sa source mula sa Defense na hindi direktang maisisi kay Del Rosario ang hindi na nabilang na mga bangkay ng mga nasawi sa bagyong Yolanda dahil sa mismong ang pamahalaan ay ayaw ng ilantad pa ito sa publiko matapos na sumablay sa ‘zero casualties’.

Habang nasa puwesto si Del Rosario ay ilang opisyal ng gabinete ang pumapel sa NDRRMC at bukod dito ay nagtalaga pa si Pangulong Aquino ng rehab czar sa katauhan ni dating Senador Panfilo Lacson.

Si Del Rosario ay iti­nalaga bilang Executive Director ng NDRRMC noong Pebrero 1, 2013 kapalit ni dating NDRRMC Secretary Benito Ramos na nagbitiw din sa puwesto dahilan may malubhang karamdaman ang misis nito.

DEFENSE PRESS CORPS

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEL ROSARIO

EXECUTIVE DIRECTOR

EXECUTIVE DIRECTOR UNDERSECRETARY EDUARDO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG AQUINO

SECRETARY BENITO RAMOS

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with