Bong Go, pinasalamatan mga magtatapos na Senador
MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kasamahan na magtatapos na ang termino sa 19th Congress kasabay ng pagkilala sa kanilang mga kontribusyon, serbisyo-publiko at pagkakaibigan sa Senado.
“Thank you to all senators who are ending their terms this year. I know how difficult it is to stand up every day for the Filipino people — especially during times of crisis, intense debates, or even disagreements. But despite all of that, we stood together with one shared goal: to serve, to make a difference, and to uplift the lives of our fellow Filipinos,” pahayag ni Go.
Kabilang sa mga magtatapos na ang termino ay sina Senators Francis Tolentino, Cynthia Villar, Nancy Binay, Grace Poe, Aquilino Pimentel III, at Ramon Revilla Jr. Sa kanilang valedictory speeches ay binanggit naman ng mga gagradweyt na senador ang naging performance ni Go — partikular ang kanyang pagsisikap sa pangangalagang pangkalusugan — lalo ang naging magandang epekto ng Malasakit Centers sa mamamayang Filipino.
- Latest