‘Land grabber’ sa lalawigan ng Bulacan naaresto ng pulisya

MANILA, Philippines — Pinuri ni incoming Senator Erwin Tulfo ang pagkakaaresto isang lalaki na sinasabing land grabber sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan na umano’y nagpapalayas at kumakamkam sa mga timber land na sinasaka ng mga magsasaka.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Camp Crame sa Quezon City ang suspek na itinago ang pangalan matapos siyang maaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) noong Hunyo 13 dahil sa iba’t ibang mga kaso.
Sa isang press conference kahapon, inihayag ng HPG na matagal nang nagtatago ang suspek dahil sa patung-patong na kaso gaya ng Syndicated Estafa at Robbery (Extortion).
Nagpapanggap din umano itong undersecretary ng isang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Tulfo, bagama’t nahuli na ang suspek sa iba’t ibang mga atraso, at hindi sa land grabbing, maituturing pa rin itong tagumpay dahil isang kriminal ang nasa kamay na ng mga otoridad.
Kaya muling nanawagan si Tulfo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa mga lokal na pamahalaan kasunod ng pagkakaaresto ng suspek ay agaran nang tanggalin ang mga ilegal na bakod at gate na humaharang sa daanan ng mga residente at magsasaka.
- Latest