Kanonisasyon ng 2 Santo, inabangan ng buong mundo
MANILA, Philippines - Buong mundo ng nag-abang sa makasaysayang kanonisasyon o paghirang bilang ganap na santo kina Pope John Paul II at Pope John XXIII kahapon.
Dumagsa ang milyun- milyong deboto sa Vatican mula sa iba’t ibang panig ng mundo kasama ang nasa halos 100 delegasyon mula sa iba’t ibang gobyerno at kaharian na sumaksi sa seremonyang pinangunahan ni Pope Francis.
Maging ang mga debotong Pilipino ay dumagsa rin sa St. Peter’s Square dahil malapit sa puso ng mga Pinoy ang dating Santo Papa na si John Paul II.
Ang dalawang Santo Papa ay itinuturing na “iconic figure†ng ika-20 siglo, hindi lang dahil sa kontribusyon ng mga ito sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko, kundi gayundin sa mga naimbag nito sa kasaysayan ng mundo.
Itinuturing si John Paul II bilang susi sa pagbagsak ng komunismo. Hinahangaan din ang paglilibot nito sa buong mundo para ilapit ang Simbahan sa mga mahihirap, mga katutubo, at mga may sakit. Hindi rin mapapantayan ang pakikipagdayalogo nito sa iba’t ibang lider ng ibang relihiyon gayundin sa ibang denominasyon ng Kristiyanismo para isulong ag ekumenismo.
Habang si John XXIII naman na tinaguriang “The Good Popeâ€, ang nagpasimula ng Second Vatican Council na nagpatupad ng mga reporma sa Simbahang Katolika sa buong mundo .
- Latest