^

Police Metro

Bangkay inihulog sa tunnel... 4-anyos ni-rape/slay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awa na ginahasa ang isang 4-an­yos na batang babae at pagkatapos ay inihulog pa sa loob ng tunnel ng abandonadong minahan ng ginto sa Brgy. Gaulan, Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Ang biktima ay kinilalang si Richel Ann Tampal na ang bangkay ay nadiskubre sa pagitan ng alas-3:00 at alas-4:00 ng hapon sa inabandonang minahan sa Purok 6, Brgy. Gaulan, Diplahan.

Nabatid na may ilang araw nang nawawala ang bata matapos itong ma­bigong umuwi ng kanilang bahay bago ang pagkakadiskubre sa krimen.

Sa isinagawang post mortem examination sa bangkay ay positibong ginahasa ang biktima.

Huling nakitang buhay ang bata na inaakay ng suspek na si Geromnik Dacles na residente rin sa lugar patungo sa direksyon ng inabandonang minahan.

 Lumilitaw naman na binigyan umano ng kendi ng suspek ang bata na niyaya nitong maglaro kaya sumama sa kaniya kung saan ay pinagsamantalahan nito ang musmos at hindi pa nakuntento ay pinaslang.

Arestado naman ang suspek matapos na maiahon ang duguang bangkay ng biktima na naninigas na.

vuukle comment

ARESTADO

BRGY

DIPLAHAN

GAULAN

GEROMNIK DACLES

HULING

LUMILITAW

RICHEL ANN TAMPAL

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with