Holdaper timbog sa CCTV
MANILA, Philippines - Isang kilabot na holdaper ang naaresto nang makunan ng closed circuit television (CCTV) camera ng isang sanglaan na tinangkang holÂdapin kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si Nonito Hanoy, 29, residente ng natuÂrang lungsod na naaresto nang matunton ng pulisya ang bahay nito sa Malanday, Valenzuela matapos na berepikahin sa Land Transportation Office (LTO) ang rehistro ng plaka ng taxi na kanyang ginamit na get away vehicle.
Sa ulat, dakong alas-3:00 ng tangkain ng grupo ng holdaper na pasukin ang Villarica Pawnshop sa may MacArthur Highway sa MaÂlanday.
Nang magdeklara ng holdap, isa sa alertong empleyado ang agad na puÂmindot sa “alarm button†na konektado sa Valenzuela Police Headquarters.
Nabulabog ang mga holdaper at pinagtiyagaan na lamang tangayin ang P500 ng isa sa kustomer at isang gintong singsing na may halagang P30,000 bago tumakas.
Sumakay ang mga holdaper sa isang taksi na nakunan naman ng CCTV camera dahilan upang magkaroon ng lead ang pulisya at maaresto.
- Latest















