^

Police Metro

Sundalo dedo, 4 sugatan sa NPA ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang nasawi habang nasugatan ang apat niyang kasamahan makaraang pagbabarilin ng mahigit sampung mi­yembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sinasakyan nilang military truck sa naganap na ambush kamakalawa sa Brgy. Azpetia, Prosperidad, Agusan del Sur.

Ang nasawi ay kinila­lang si Technical Sergeant Godofredo Baladad. Habang nasugatan ang apat na kasama na kinabibila­ngan ng dalawang enlisted personnels (EPs) ng Phi­lippine Army at dalawang CAFGUs.

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng umaga ay lulan ang tropa ng 9th Special Forces Company (SFC) ng KM450 truck patungo sa Brgy. San Martin, Prosperidad upang sunduin ang mga kasamahan nilang sundalo nang tambangan ng mahigit  10 armadong rebelde.

Sa bugso nang pagpapaulan ng bala ng mga rebelde ay nasapul si Baladad na siyang kumitil sa buhay nito habang sa kabila ng sugatan ay mabilis na nagdepensa ang tropang gobyerno.

Matapos ang mahigit limang minutong pagpapaulan ng putok ay nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hilagang direksyon ng kagubatan sa lugar.

vuukle comment

AGUSAN

AZPETIA

BALADAD

BRGY

NEW PEOPLE

PROSPERIDAD

SAN MARTIN

SPECIAL FORCES COMPANY

TECHNICAL SERGEANT GODOFREDO BALADAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with