^

Police Metro

Parak, abogado todas sa nakamotor

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis at isang ang abogado ang nasawi sa magkahiwalay na pag-atake ng mga suspek na nakamotorsiklo sa Cavite at Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si PO1 Aries Aquino, nasa hustong gulang, nakadestino sa Noveleta, Cavite at residente ng Brgy. Salinas, Bacoor, Cavite.

Nasa kritikal naman ang angkas nitong asset na si Jaime Breyro Jr., 49, ng Brgy. San Roque, Cavite City.
Sa ulat, dakong alas- 4:00 ng hapon ay sakay ang mga biktima ng kulay pulang Honda XRM (UI-2331) at binabagtas ang lugar nang bigla na lamang pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek na sakay din ng single na motor.

Samantala, nasawi rin si Atty.  Clemente  Laudencia, ng  677 Lerma St., Mandaluyong City na umano ay corporate lawyer ng San Miguel Corporation at may-ari ng isang printing press, sa Sta. Ana, Maynila dahil sa tama ng bala sa leeg, katawan at braso.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:15 ng umaga ay sakay ang biktima ng kanyang kulay gray na Honda Civic (ZNP-207) kasama ang misis galing sa kanilang printing press.

Pagdating  sa panulukan ng Panaderos at Azucena Sts., Sta., Ana ay bigla na lamang pinagbabaril ang biktima at hindi dinamay ang misis at driver nito.

Hindi nakilala ang bumaril na nakasuot ng helmet, face mask, naka-long sleeve at pulang motorsiklo habang isa pang suspek na naka-helmet na  hinihinalang look out.

ARIES AQUINO

AZUCENA STS

BRGY

CAVITE

CAVITE CITY

HONDA CIVIC

JAIME BREYRO JR.

LERMA ST.

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with