Kasong criminal vs. mag-asawang Tiamzon
MANILA, Philippines - Ipinagharap na ng kasong kriminal ang mag-asawang mataas na opisyal ng CPP-New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon at ang grupo ng mga ito matapos na isailalim sa inquest proceedings sa Camp Crame kahapon.
Iginiit din ng PNP na legal ang ginawang pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon at sa mga kasamahan nito na nasakote noong Sabado ng hapon sa Aloguindian, Cebu.
Kasong illegal possession of firearms , explosives and ammunitions at harbouring of criminals ang kinakaharap ngayon ng mag-asawa at ng grupo ng mga ito, makaraang may makuhang armas mula sa sasakyan ng mga ito.
Sinabi ni PNP-CIDG National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) Director P/Sr. Supt. Roberto FajarÂdo na may basehan ang pag-aresto ng mga awtoridad sa mag-asawang top leader ng CPP-NPA dahil hindi naman saklaw ng ng Joint Agreement on Immunity and Safety Guarantees (JASIG) ang mga ito matapos na kumalas sa napagkasunduan para sa usapang pangkapayapaan.
Nanindigan din si Fajardo na may bisa ang inquest proceedings na isinagawa ng mga piskal ng Department of Justice sa Camp Crame laban sa mag-asawang Tiamzon at kanilang mga kasamahan dahil maaari naman itong gawin kahit saang lugar. Ang paliwanag ay ginawa ni Fajardo matapos kuwestiyunin ng mga nasabing opisyal ng NPA ang naganap na inquest proceedings dahil hindi naman sa Metro Manila naganap ang krimen.
Gayunpaman, ang pagdinig aniya para sa kasong kinakaharap ng mga respondents ay sa Cebu na gagawin.
Binigyang-diin ni Atty Rachel Pastores, abogado ng mag asawang Tiamzon at iba pang NPA members na hindi nila kinikilala ang naturang proceeÂdings kaya naman nag-walkout ang mga ito.
Kasabay nito, nanindigan din si Justice Secretary Leila De Lima na legal ang pagkakaaresto sa mag-asawang Tiamzon dahil wala naman umanong validation mula sa government panel na ang mga ito ay sakop ng JASIG.
- Latest