^

Police Metro

Pag-aresto sa ex-pulis na ama tinangkang pigilin... Most wanted sa Cavite, dedo

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang sinasabing most wanted sa Mendez, makaraang tangkaing pigilin ang mga pulis na isilbi ang search warrant sa kanyang ama na dating pulis na naganap sa Barangay Galicia 3, Mendez, Cavite City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na wanted na si Rusky Casipe, alyas ‘Ivan’,  nasa talaan ng No 1 Most Wanted sa bayan ng Mendez na  residente ng Brgy. Galicia 3, sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Cedrick Mojica, nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon ng maganap ang insidente nang tangkain umanong pigilin ni Rusky ang mga pulis at barangay official na isilbi sana ang search warrant sa kanyang amang si ex-SPO1 Ricardo Casipe.

Ayon sa report, nakatakda sanang arestuhin ng mga awtoridad si Ricardo ng lumabas ng bahay ang anak nitong si  Rusky at pilit na hinaharang ang pagdakip sa kanyang ama.

Armado umano ng maiksing baril si Rusky at tinangka nitong barilin ang mga pulis at masuwerte na lamang na hindi pumutok ang kanyang baril kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad at binaril ang suspek.

Nang mapatay ang suspek ay doon lamang nabatid na No. 1 pala sa talaan ng Most Wanted personalities sa bayan ng Mendez.

Narekober ng pulisya ang isang kalibre colt defender series 90 na may serial number 457689 at loaded ng limang bala mula sa napatay na suspek.

 

ARMADO

AYON

BARANGAY GALICIA

BRGY

CAVITE CITY

CEDRICK MOJICA

MENDEZ

MOST WANTED

RICARDO CASIPE

RUSKY CASIPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with