^

Police Metro

Gustong palayain sa kulungan... Mister nagbuwis ng buhay sa misis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinuwis ng isang mister ang kanyang buhay para sa misis nang mag-amok ito at  tangka pang maghagis ng granada sa municipal jail upang mapalaya ang misis na inaresto kamakalawa sa bayan ng Guagua, Pampanga.

Ang nasawi ay kinilalang si Velmar Camullo, nasa hustong gulang ng Floridablanca ng lalawigang ito.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang magtungo si Camullo sa Guagua District Jail para dalawin ang nakakulong nitong misis na nagdiriwang ng  kaarawan.

Ilang saglit pa ay biglang nag-amok si Camullo na nagsisigaw sa mga bantay na pakawalan ang kaniyang misis.

Dito ay inilabas ni Camullo ang nakatago nitong granada na tinangka nitong pasabugin kung hindi umano pakakawalan ang kaniyang misis sa naturang piitan. Habang sa kabilang kamay ay hawak naman nito ang baril.

Agad na nagpaputok ang suspek at kasunod nito ay tinangka rin nitong tanggalan ng pin ang granada kaya mabilis na kumilos ang mga otoridad at binaril ang suspek bago pa man natanggalan ng pin ang granada. 

Narekober sa bangkay ng suspek ang 12 sachets ng shabu, drug paraphernalia, isang 9 MM pistol at bala nito gayundin ang granada. 

 

vuukle comment

BATAY

CAMULLO

DITO

FLORIDABLANCA

GUAGUA

GUAGUA DISTRICT JAIL

HABANG

IBINUWIS

ILANG

VELMAR CAMULLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with