^

Police Metro

‘Boy Dila’ humingi ng public apology

Ludy Bermudo - Pang-masa
âBoy Dilaâ humingi ng public apology
Lexter Castro o mas kilala bilang si Boy Dila humarap sa media kasama si San Juan City Mayor Francis Zamora upang humingi ng tawad sa nagawa nitong pang babasa sa isang rider sa kalagitnaan ng Wattah Wattah Festival.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nagtungo kahapon sa tanggapan ni San Juan Mayor Francis Zamora si Lexter Castro, 21, ang tinaguriang “Boy Dila” na inulan ng batikos ng netizens dahil sa idinulot nitong kontrobersiya at pambabastos sa Wattah Wattah Festival noong Hunyo 24, ang kapistahan ng kanilang patron na si San Juan Bautista.

Kahapon ay  iniharap sa media ni Mayor Zamora si Castro, na humingi ng patawad sa rider na kaniyang nabasa at sa mga taong naapektuhan ng kaniyang ikinilos.

Napaluha si Castro sa paghahayag ng kaniyang pangamba at hindi na niya umano kinakaya lalo’t napakaraming mga banta sa buhay niya na natatanggap kabilang ang mensaheng babarilin siya dahil naapektuhan at nada­damay din ang kaniyang pamilya.

Hinikayat niya rin ang rider na kaniyang binasa na makipagkita sa kaniya upang hingan ng tawad at magbibigay siya ng helmet at kapote bilang peace offering.

Katunayan, nag-post na rin sa kaniyang FB page si Castro na humihingi ng patawad sa kaniyang maling ginawa sa nasabing kapistahan.

Nanawagan din si Mayor Zamora at si Castro  na tigilan na ang mga fake booking at fake deliveries.

WATTAH WATTAH FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with