^

Police Metro

Laborer nahulog sa 19th floor

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahulog mula sa ika-19th na palapag ng gusali ang isang 28-anyos na laborer at dumiretso sa hinukay na kanal, sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ala-1:30 ng madaling araw nang bawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si  Edil Henry Leano, stay-in laborer sa Tower 5 Suntrust Parkview na matatagpuan sa Concepcion St. Ermita, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide  Section, bago maghating gabi nang makipag-inuman ang biktima sa mga kasamahan sa trabaho na nagsimula ng alas-9:00 ng gabi at nagpabili ng gin at softdrinks.

Nagkukuwento pa umano sa mga kainuman na sina Kenneth Nocor, Jimmy Gambal at Orlan Baldos hinggil sa problema sa kalive-in nito.

Habang nagkukuwento umano ay inalis ang sim card sa cellphone at sinira, habang ang cellphone ay isinangla sa kasamahan sa halagang P200. At nagyaya sa beerhouse.

Nakauwi pa umano ang biktima at mga kasama nito sa inuman pero nang nakatulog ang iba sa kanila at isa ang gumising na may nagsabing nakita na sa ibaba ang biktima, na na-swak sa kanal na may nakaabang na tubo.

Nabatid na bumagsak ang biktima sa hinukay na kanal na mayroong tubo sa ilalim.

Pinagtulungang buhatin at isinugod sa ospital subalit hindi na nagtagal at idineklarang patay.

 

CONCEPCION ST. ERMITA

EDIL HENRY LEANO

ERMITA

JIMMY GAMBAL

KENNETH NOCOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

ORLAN BALDOS

SUNTRUST PARKVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with