^

Police Metro

Dalaga ayaw makipagtanan sa manliligaw, sinaksak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ang isang dalaga ng kanyang manliligaw matapos na tumanggi na maki­pagtanan dito na naganap kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na patuloy na nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital dahil sa mga saksak sa kilikili at dibdib ay kinilalang si Raquel Mindero, 24, kasambahay at stay-in sa Sucat Parañaque City.

Ang suspek na ginulpi naman ng taumbayan dahil sa ginawang pananaksak ay kinilalang si Manuel Orogo, 35, binata, car wash boy at naninirahan sa Trese Martirez City, Cavite.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa Reyes Barbeque sa kanto ng Service Road ng  Roxas Boulevard, Barangay 70, Zone 10 ng nasabing lungsod ay pinuntahan ng suspek ang biktima sa pinagtratrabahuan nito sa Parañaque City.

Subalit, naabutan ng suspek  na pasakay na ng jeep ang biktima kasama ang kaanak na inakala nitong uuwi na ng probinsiya.

Hinabol ng suspek ang biktima at pagsapit sa harapan ng Reyes Barbeque ay pilit na itinatanan nito ang dalaga sa kanilang probinsiya sa Albay.

Tumanggi ang biktima hanggang sa nagkaroon nang mainitang pagtatalo at dahil sa hindi matanggap ng suspek ang kanyang kahihiyan ay binunot nito ang patalim na nakasukbit sa kanyang baywang at inundayan ng saksak ang dalaga.

Nakita naman ng mga tao sa lugar ang ginawa ng suspek kung kaya’t pinagtulungan nila itong gulpihin.

vuukle comment

MANUEL OROGO

PASAY CITY

RAQUEL MINDERO

REYES BARBEQUE

ROXAS BOULEVARD

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SERVICE ROAD

SUCAT PARA

TRESE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with