Driver ginulpi ng 3 MMDA traffic enforcers
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang tatlong traffic enforÂcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos na ireklamo ng isang driver na kanilang binugbog kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ang tatlong suspek na inaresto matapos na magreklamo ang biktimang truck driver na si Enrico Derelo ay kinilalang sina Anthony Solinas, Mark Lester Banaag at Juan Pagulayan.
Sa ulat, alas-12:00 ng madaling-araw ay minamaneho ng biktima ang 10-wheeler truck at binabaybay ang Commonwealth Avenue at pagsapit sa kanto ng Philcoa at CP Garcia pinara siya ng nasabing mga traffic enforcer.
Pinipilit umanong hinihingi ng mga traffic enforcers ang kanyang lisensya at hindi niya ito ibinigay dahil wala naman siyang nalalamang nilabag sa batas trapiko.
Nang tanungin ang biktima ng mga traffic enforÂcers kung ano ang laman ng kanyang truck ay hindi ito sumagot bagkus ay gumanti ito ng tanong kung ano ang mga pangalan ng mga huli.
Nang hindi sumagot ang tatlong enforcers ay bumaba ang biktima at dito na siya pinagtulungang gulpihin.
Nang makaalpas ang biktima ay nakahingi ito ng tulong sa mga pulis at ipinaaresto ang mga enforcers.
- Latest