DOJ walang balak ilagay si Napoles sa WPP
MANILA, Philippines - Malabong makapasok sa Witness Protection ProgÂram ng Department of Justice ang itinuturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.
Sa pagpapatuloy ng hearing kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na sa ngayon ay walang dahilan para ilagay sa WWP si Napoles lalo pa’t napapangalagaan naman ngayon ang kanyang seguridad.
Ang pahayag ay ginawa ni De Lima nang kuwestiyunin ni Senator Francis “Chiz†Escudero kung bakit hindi pa inilalagay si Napoles sa ordinaryong kulungan.
Aminado si De Lima na sandaling ilagay nila si Napoles sa ilalim ng WPP magkakaroon ito ng immunity kaya masusi pa nilang pinag-aaralan ang kaso nito.
“Immunity...(mabibigyan si Napoles). That is why, we need to study carefully. We cannot just be acceÂding to that. We cannot be just be saying yes, we’re willing...†ani De Lima.
Naniniwala si Escudero na posibleng mas mapilitang magsalita si Napoles kung ilalagay na ito sa ordinaryong kulungan.
Pero sinabi ni De Lima na mahalaga pa ring ikonsidera ang kaligtasan ni Napoles bagaman at hindi pa ito nagsasalita sa ngayon.
Ipinahiwatig ni De Lima na umaasa itong darating ang panahon na magsasalita si Napoles tungkol sa pork barrel scam kung saan sangkot ang mga mambabatas kabilang ang tatlong senador.
- Latest