^

Police Metro

Iniwan ng orig na misis... Mister nagbaril sa harap ng kabit

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang mister ang magulo niyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa harap ng kanyang kabit matapos iwanan ng kanyang original na misis naganap kamakalawa sa bayan ng Malangas, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Joel Macquiling, 39-anyos, may-asawa, residente ng Kilometer 2, Brgy. Poblacion, Malangas ng lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ni Macquiling at ng kaniyang live-in partner  sa Brgy. Ladicha.

 Sa salaysay ni Arlyn Silvano, 25 anyos, live-in partner ng biktima, bago ang insidente ay nabanggit ni Joel sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho na ma­tindi ang problema nito sa kaniyang legal na asawa matapos magdesisyon na maki­paghiwalay na ito sa kaniya.

Nabatid na ang biktima ay dalawa ang bahay na inuuwian na paminsan-minsan ay sa lehitimong pamilya nito at mas madalas naman sa kaniyang live-in partner na si Silvano.

Lumalabas sa ulat, kasalukuyang nagbibihis si Silvano nang makita niya na kinuha ng biktima ang baril at itinutok sa kaniyang bibig at pinaputok.

Nagawa pang maisugod sa Diplahan Hospital ang biktima, subalit hindi na ito naisalba ng mga doktor.

vuukle comment

ARLYN SILVANO

BATAY

BRGY

DIPLAHAN HOSPITAL

JOEL MACQUILING

LADICHA

LUMALABAS

SILVANO

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with