Hindi nakayanan ang panlalait sa social media... Fortun nagbitiw bilang spokesman ni Cedric
MANILA, Philippines - Ang mga umano’y pambabatikos at panlalait sa kanyang pagkatao sa social media tulad ng facebook ang dahilan kung kaya’t nagbitiw bilang spokeperson ni Cedric Lee si Atty. Raymond Fortun.
Inamin ni Fortun, na katakot-takot na batikos ang kanyang naranasan habang tumatayong tagapagsalita ni Cedric sa loob lamang ng 12 araw at sinabi nito na hindi siya nagpagamit at ang katotohanan lamang aniya ang kanyang pinaiiral.
“ Sa kabila ng napaka-maayos na pagprisinta at pagÂlahad ng facts at legal issues dito ay katakot na batikos ang tinanggap niya at ang pinakamasakit ay pati ang pagkatao ay binabanatan tulad nang pagsasabing pera-pera lang daw ako.â€, pahayag ni Fortun.
Ikinalungkot din ni Fortun na hindi pa tanggap ng ilan sa mga Pinoy ang konsepto ng pagbibigay at paggarantiya sa “constitutional rights†ng isang inaakusahan pa lamang na bakas sa mga social networking site kung saan inuulan ng
komento sina Cedric at Deniece Cornejo at nais ng mga tao na sentensiyahan at makulong na ang mga ito.
“Hindi po kasama ‘yung pagpapahayag ng pagmumura, paninirang puri ng tao. I did not deserve what I got, people have a right to express their opinions but when it comes down to hurÂling invectives at sirain ang aking paÂngalan na napakatagal kong pinaghirapan at matagal na
pinaghirapan ng mga magulang ko, ‘yan ang hindi ko na po matatanggap.†pagwawakas ni Fortun.
- Latest