‘Careless day’ isinusulong ng MMDA
MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “careless day†sa kahabaan ng EDSA dahil sa layuning maibsan ang masikip na daloy ng trapiko na inaasaÂhang idudulot ng sangkatutak na infrastructure proÂjects na sisimulan ngayong 2014 sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Sa ‘careless day’ ay may araw na hindi papayagang padaanin sa kahabaan ng EDSA ang mga pampribadong behikulo o may plakang kulay berde.
Sa isinagawang dalawang araw na MMDA Traffic Summit, naunang pinanukala ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa Department of Education ang “four days a week†na pasok sa mga paaralan.
Nabatid, na ngayong Lunes, Pebrero 17, magsisimula na ang pagtatayo ng Skyway 3 na magdudugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) at South
Luzon Expressway (SLEX), na isa lamang sa 15 infrastructure projects ng gobyerno na nakalinya hanggang taong 2016.
Dahil sa mga road projects ng pamahalaan, nagbabala Department of Public Works and Highways (DPWH), na dalawang taong mabigat na daloy ng trapiko ang mararanasan at titiisin ng mga motorista at mga commuters.
- Latest