^

Police Metro

Tatay patay, anak sugatan sa pulis

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang dinadala sa ospital ang isang ama habang nasugatan naman ang anak nitong dalagita matapos barilin ng isang bagitong pulis nang rumesponde sa kaguluhan ang una kamakalawa sa Parañaque City.

Ang nasawi ay kinilalang si Joseph Arquillo, 38, ng  Block 3, Cherry East Compound, Barangay Sun Valley ng lungsod dahil sa tama ng bala sa katawan habang nasugatan ang anak nitong si Carliza, 17 nang mahagip ng bala sa kaliwang paa.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si PO1 Ge­rald Garcia, nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion-National Capital Region Police Office (RPSB-NCRPO).  

Sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-9:45 ng gabi sa Block 5 Avenue, Cherry East Compound ng naturang lungsod ay tinawag ng mga kapitbahay ang biktima upang res­pondehan ang nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo sa lugar.

Rumesponde rin sa kaguluhan ang pulis na si Garcia na umano’y nasa impluwensiya ng alak at tumulong sa pag-awat sa kaguluhan.

Nang maayos ang gulo ay nagreklamo ang isang kaanak ni Garcia na nasugatan sa kaguluhan.

Dito nagalit si Garcia at sa hindi malamang dahilan ang pinagbuntunan nito ng galit ang biktima na kanyang  binaril sa harap ng anak.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang mag-ama ay dinala sa nasabing ospital.

BARANGAY SUN VALLEY

CARLIZA

CHERRY EAST COMPOUND

DITO

GARCIA

JOSEPH ARQUILLO

MABILIS

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATALLION-NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with