^

Police Metro

Ama na pumatay sa kanyang mag-ina, naaresto na

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip kamakalawa ng pulisya sa Tuguegarao City, Cagayan ang suspek na si Danilo Rafael Sr., 55 na bumaril at pumatay sa kanyang mag-ina na ang bangkay ay kanyang inilagay sa trunk ng kanilang kotse at pagkatapos ay iniwan sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City noong

Sabado ng madaling-araw.

Inamin ng suspek na pinatay niya ang misis na si Fe, 54 at anak na si Danilo Jr., 18, noong Biyernes ng gabi sa kanilang bahay sa Maragondon, Cavite.

Sa isang follow-up operation ay natunton ng mga pulis si Danilo Sr., na nagtatago sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan noong Martes ng hapon at nakumpiska ang isang caliber .45 at
siyam na bala na siyang ginamit umano nito sa  pagpatay sa  kanyang mag-ina.

Ayon sa suspek na napatay niya ang kanyang mag-ina sanhi ng matinding galit at selos, dahil  nakabasa siya ng text message sa cellphone ng kanyang misis mula sa lalaking pinagseselosan
niya at nang kanyang usisain, agad aniya siyang pinagsusuntok nito.

Hindi niya plinano ang pagpatay sa kanyang
mag-ina at self-defense lamang ang nangyari dahil habang nag-aaway silang mag-asawa, kumuha umano ng kutsilyo si Danilo Jr. at tangkang
sasaksakin siya nito.

Kaya’t  kinuha niya ang kanyang baril at ipinutok sa anak bago isinunod ang misis at nataranta umano siya nang makitang duguan at nangingisay
ang mag-ina kung kaya kumuha siya ng unan at itinapat sa ulo ng anak saka muling binaril hanggang mamatay.

Pagkatapos  ng  ginawa  niyang  pagpatay sa kanyang mag-ina sa, inilagay niya ang mga ito sa compartment
ng kanilang sasakyan at dinala ang mga ito sa ha­rapan ng bahay ng mga magulang ng kanyang misis sa Timothy St., Multinational
Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Walang kaanak o kakilala si Danilo Sr., nang mapadpad siya ng naturang lalawigan matapos itong sumakay ng bus at isang impormate ang nagnguso na nagtatago ito sa naturang lugar kaya’t kaagad na nagsagawa ng pag-aresto.

vuukle comment

BARANGAY MOONWALK

DANILO JR.

DANILO RAFAEL SR.

DANILO SR.

KANYANG

MAG

MULTINATIONAL VILLAGE

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with