Meralco nagbabala ng seryeng brownout
MANILA, Philippines - Kung hindi babawiin ang temporary restraiÂning order (TRO) sa P4.15 kada kilowatt hour ng power hike ay nagbanta ang Manila Electric Company (MERALCO) sa mga mahistrado ng Korte Suprema na magkakaroon ng rotational brownout.
Ito ang naging babala ni Atty. Victor Lazatin, abogado ng Meralco, na maaaring humantong ang TRO sa rotational brownout na magdudulot naman ng negatibong epekto sa ekonomiya.
Anya dahil umano sa nasabing TRO ay nahahadlaÂngan ang delivery ng fuel sa mga generation company na magiging dahilan naman para mahinto ang delivery ng kuryente sa Meralco.
Maliban pa sa inaasahan na nila ang pagtaas ng demand sa kuryente dahil papalapit na ang panahon ng tag-init.
Batid din umano ng Meralco na sila ay inaakusahan ng pamba-blackmail nang dahil sa babala kaugnay sa rotational brownout.
- Latest