^

Police Metro

Walang nasira sa condo ni Deniece – NBI

Lordeth Bonilla, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa man sa mga furniture o appliances sa loob ng  condominium unit na inokupahan ni Deniece Cornejo ay walang nasira na taliwas sa unang inihayag ni Cedric Lee nang ito ay kapanayamin.

“Nakasabit pa rin (‘yung TV). Sinabi naman ni Mrs. (Soledad) Ramos na so far wala naman siyang nakitang mga gamit na nadagdag o nabawas doon nung pinagamit niya ‘yung (unit) kay Mr. Greg Binunus,” wika ni Atty. Rommel Ramirez ng  NBI sa mga reporter sa isang presscon.

Nabatid na si Ramos ay siyang may-ari ng unit na inokupahan ni Cornejo sa Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City na kung saan  naganap ang pambubugbog kay television host Vhong Navarro ng grupo ni  Lee noong January 22.

Pinaupahan ni Ramos ang unit kay Binunus, isang Malaysian national na siyang nagbigay permiso kay Cornejo na tumira doon at dalawang araw pa lang ito sa unit nang dalhin niya si Navarro noong January 17.

“Ang nakita namin ay maayos naman. Wala naman kaming nakitang pupuwede naming masabing sira. ‘Yung nadatnan namin is maayos ‘yung kalagayan ng furniture at equipment at saka electronics,” pahayag ng NBI agent.

Magugunita na inihayag  ni  Lee na totoo na hinihingan niya ng P1 milyon si Navarro na kabayaran sa mga nasi­rang furniture at appliances nang kanilang gulpihin at arestuhin ang aktor sa tangkang pang­hahalay kay Cornejo.

Hindi rin nagalaw ang pagkaing dala ni Navarro ng gabi na siya ay gulpihin.

Maghaharap sa dara­ting na Pebrero 14 ang kampo nina Navarro; Cedric; Cornejo at iba para sa preliminary investigation.

vuukle comment

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

MR. GREG BINUNUS

NAVARRO

RAMOS

ROMMEL RAMIREZ

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with