Bong sinupalpal sa mosyon na itigil ang imbestigasyon sa PDAF scam
MANILA, Philippines - Sinupalpal ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kahilingan ni Senador Ramon “Bong†Revilla Jr., na suspendihin ang pagsasagawa ng ahensiya ng preliminary investigation kaugnay ng kaso na kinasasangkutan nito may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Sa 13-pahinang Joint Order, nadetermina ng special panel of investigators na walang dahilan para mapagbigyan ang hiling ni Revilla na isa sa kinasuhan sa Ombudsman dahil sa PDAF scam kasama sina Senadors Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
Inisnab din ng Ombudsman ang kaparehong mosyon na naisampa ng isang Richard Cambe na kasama rin sa kaso.
Bagamat may naka-pending na kasong sibil kay Benhur Luy si Revilla at Cambe may kaugnayan sa naturang kaso sa Bacoor-Cavite Court ay wala naman umano itong bearing sa anumang kalalabasan ng kasong criminal na kinasasangkutan ni Revilla kayat walang dahilan na ihinto ang pagbusisi ng ahensiya sa PDAF scam.
Ayon pa kay Ombudsman Morales na hindi niya pinahihintulutan ang anumang tangkang pagsuspindi sa pagbusisi ng ahensiya sa pork barrel scam dahil nakasalalay dito ang interes ng publiko.
- Latest