^

Police Metro

Bus lagyan ng CCTV kontra holdap

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang mga holdapan at iba pang krimen sa loob ng pampasaherong bus ay hiniling ni Dasmariñas City, Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na obligahin ang mga bus operators na maglagay ng closed circuit television (CCTV).

Anya, kapag may CCTV camera ay magdadalawang isip ang mga kriminal lalo na ang mga holdaper na gumawa nito sa loob ng bus.

Kaya’t marami ng local government units (LGUs) na may batas sila na hindi bibigyan ng business permit ang ang mga business establishments na walang CCTVs.

Nagkakahalaga lamang ng P20,000 hanggang P30,000 ang paglalagay ng video came-ra na mas mura kumpara sa pagbabayad para sa buhay ng mga pasahero.

Kahit na tatlong security cameras ay dapat na ilagay sa PUBs, isa sa pintuan, isa sa harapan na nakatutok sa mga pasahero at ang isa ay sa hulihan na nakaharap din sa mga pasahero.

 

vuukle comment

ANYA

CAVITE REP

DASMARI

ELPIDIO BARZAGA

KAHIT

KAYA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NAGKAKAHALAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with