MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 23-anyos na babae habang nasugatan naman ang nobyo nito matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang namimili sa labas ng isang mall kamakalawa sa Brgy. Burol 1 Dasmariñas City, Cavite.
Ang nasawi noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilaÂlang si Manilyn Fernandez, 23, dalaga, residente ng Blk 9-D, Lot 10, Brgy. San Andres 1 ng lungsod na ito. Habang ang nobyo nito na nasugatan ay kinilalang si Jeffrey Solaiman alias Saddam, nasa hustong gulang.
Sa ulat, alas-5:20 ng hapon ay magkakasama ang magkasintahan na namimili sa labas ng SM Hypert Mart Mall, Kadiwa nang tabihan ng isang lalaki at walang sabi sabing binaril ng dalawang beses ang babae sa ulo at ganun din ang nobyo nito na nasugatan.
Anggulong love triangle ang sinisiyasat ng pulisya matapos na umanong makatanggap ng pagbabanta ang napatay na babae hinggil sa relasyon nito kay Sadam.
Inaresto naman si SaÂdam habang nasa ospital dahil sa may pending itong warrant of arrest sa kasong theft.