2 Canadians, Pinoy timbog sa P100-M shabu raid ng NBI
MANILA, Philippines - Nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang drug laboratory sa isang sa Bonifacio Global City sa Taguig City kahapon na kung saan ay naaresto ang dalawang Canadian at isang Pinoy na pinaniniwalaang may kaugnayan sa Mexican drug cartel.
Kinilala ni Atty. Ruel Lasala, NBI deputy director at hepe ng anti-illegal drugs task force, ang mga naarestong suspek na sina James Riach at Barry Espadilla, pawang Canadian citizens at Pinoy na si Tristan Olazo sa inuupahang nilang kuwarto sa The Luxe Residences na matatagpuan sa kanto ng 28th Street at 4th Avenue ng BGC.
Kinumpirma rin ng mga otoridad na sina Riach at Espadilla ay mga miyembro ng isang crime gang sa Canada at nakulong na sa iba’t ibang krimen na kanilang kinasangkutan.
Narekober ng NBI ang nasa P100 milyon halaga ng shabu (methamphe-tamine hydrochloride), cocaine, at “ecstasy†sa loob ng Unit 301 ng The Luxe Residences na inu-upahan ng mga suspek.
Nadiskubre rin ng mga NBI personnel ang blankong kapsula at mga makina na ginagamit sa paggawa at pag-repack ng mga illegal drugs na mula sa Mexico.
The Luxe Residences ay isang “modern luxury high-rise apartment to-wer†na pawang tumitira ay mga foreign dignita-ries at mga top executives ng malalaking kumpanya na ang renta ay nagsisimula sa P72,000 para sa 1-bedroom unit hanggang P211,000 para sa 3-bedroom unit kada buwan.
Inihayag din ni NBI supervising agent Augusto Eric Isidoro na ang kanilang iniimbestigahan kung konektado sa “Independent Soldiers,†na umano ay binubuo ng Canadian, Mexican at Iranian nationals na pinaniniwalaang nag-o-operate sa Greece, United States, Australia at ibang mga parte ng Asia ang mga naarestong suspek.
Hindi na anya bago ang paggamit ng mga illegal drug manufacturer sa mga kilalang at mayayamang subdibisyon tulad noong Enero 2012 ay isang shabu laboratory ang nadiskubre sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City na ikinaaresto ng limang Chinese nationals.
Tinitingnan din ng mga imbestigador kung konektado ang mga naarestong suspek at ope-rators sa natagpuang shabu storage sa LPL Ranch sa Barangay Inosloban, Lipa City, Batangas noong Disyembre 25 ng nakalipas na taon na kung saan ay nakasamsam sa pagsa-lakay ng pinagsamang elemento ng Phi-lippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force, at Philippine Drug Enforcement Agency ng P420 milyon halaga ng shabu.
Umaabot sa 84 kilos ng shabu na nakalagay sa plastic na isinilid sa apat pirasong bag at naaresto ang mga suspek na sina Gary Tan, Argay Argenos and Rochelle Argenos.
- Latest