^

Police Metro

Brgy. chairman inaresto sa pagsalakay sa security outpost

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng pulisya si  Barangay chairman Antonio Tolentino nang umano’y pamunuan ang may 30 armadong lalaki sa pagsalakay sa isang security outpost ng isang land developer sa Sitio Balukbok, Barangay Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.

Ayon kay  Porac police chief, Supt. Juritz Rara na si Tolentino, kapitan ng naturang barangay ay pangulo rin ng Aniban ng Nagkakaisang Mamamayan sa Hacienda Dolores na binubuo ng 100 settler-families na kinukumbinsi na mailipat ng LLL Hol­dings Incorporated-Ayala Land upang bigyang-daan ang joint-venture land development sa lugar.

Sa salaysay ni Atty. Richard Tabago, site manager ng LLLHI, pinamunuan ni Tolentino ang pagsalakay noong Enero 12 sa lugar na binabantayan lamang ng dalawang security guard na sina Felizardo Clark Jr. at Larry Sabado. 

Pinaulanan ng bala ng mga armadong lalaki ang lugar na nagresulta sa pagkasugat ng mga gwardya, subalit nakaganti ng putok ang mga ito at  nasugatan ang dalawa sa mga su­malakay.

Nabihag ng mga suspek si Sabado na tinalian ang mga kamay at leeg at pinahila sa isang motorsiklo, subalit nakaligtas nang dalhin sa bahay ng barangay chairman matapos na makalingat ang mga suspek.  

Nakahingi ito ng tulong sa mga miyembro ng Special Weapons and Tactics unit na nagresulta sa pagkakadakip kay Tolentino.

ANTONIO TOLENTINO

BARANGAY HACIENDA DOLORES

FELIZARDO CLARK JR.

HACIENDA DOLORES

INCORPORATED-AYALA LAND

JURITZ RARA

LARRY SABADO

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with