^

Police Metro

Heneral atbp. na walang ID, no entry sa Crame

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paiiralin ng mga security guard na magbabantay sa gate ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang “no ID, no entry policy” kahit na ito ay mga matataas na opisyal.

Ito ang direktiba ni PNP Chief P/Director Alan Purisima sa mga propesyunal at hasang–hasa sa training na  mga guwardiyang  magmamando sa mga gate ng punong himpilan ng pambansang pulisya.

Ayon pa kay Purisima na hindi lamang mga heneral kundi lahat ng mga PNP personnel ay kailangang sumunod sa polisiya kung hindi ng mga ito nais na maharap sa kaparusahang administratibo.

Ayon pa sa PNP ay isinasapinal na ang mga proseso para sa public bidding ng kontrata sa mga security guards.

Nilinaw naman ng opis­yal na ang mga security guards ay isusuperbisa ng isang aktibong PNP officer habang isinasagawa ang kanilang duty sa pagbabantay sa mga gate ng Camp Crame.

 

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

CHIEF P

DIRECTOR ALAN PURISIMA

NILINAW

PAIIRALIN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with