Matapos na makaaresto ng 2 NPA rebels... pulis utas sa resbak
MANILA, Philippines - Isang pulis na katatapos lang sa kanyang duty at pauwi na sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pinaniniwalaang miÂyembro ng New People’s Army (NPA) hit squad kamakalawa sa kahabaan ng Purok 2C, Brgy. Taglatawan, Bayugan City.
Hindi na umabot ng buhay sa New Bayugan Medical Hospital dahil sa mga tama ng bala ang biktima na kinilalang si SPO1 Rodrigo Coton, miyembro ng Bayugan City Police.
Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi habang si Coton ay lulan ng kaniyang XR 200 motorcycle pauwi sa kanilang bahay nang sundan at pagbabarilin pagsapit sa lugar ng mga salarin na magkaangkas sa kulay itim na motorsiklo na walang plaka.
Matapos na pagbabarilin ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga saÂlarin patungo sa direksyon ng Brgy. Marcela, Bayugan City.
Inilarawan ang mga suspek na kapwa katamtaman ang pangangatawan at may taas na 5’2†at 5’5â€.
Malaki ang hinala ng pulisya na rumesbak ang mga rebelde sa biktima matapos nitong maaresto ang dalawang rebelde na kinilalang sina Ramon Floro Jr., at Bryan Precioso Mandapiton na nagsasagawa ng bandalismo sa isang tulay sa lungsod noong Disyembre 26, 2013 sa ika-45 taong anibersaryo ng CPP-NPA na kung saan ay nasamsaman ang isang cal. 38 caliber revolver.
- Latest