Bilang ng may HIV tumaas
MANILA, Philippines - Muling nabahala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, dahil sa panibagong 384 na katao na tinamaan ng HIV noong Nobyembre 2013.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, ang Health Assistant Secretary at director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na dahil sa panibagong bilang ng mga biktima ay umabot na ngayon sa kabuuang 4,456 ang kaso ng HIV na mas mataas kung ikukumpara sa mahigit 3,300 Pinoy na natukoy na may HIV noong taong 2012.
Simula naman taong 1984, kung kailan siniÂmulan ng DOH ang regular monitoring sa sakit, ay umabot na sa 16,158 ang total HIV cases sa bansa.
Nabatid na ang Pilipinas ay itinala ng United Nations (UN) bilang isa sa siyam na bansa sa buong mundo na patuloy ang pagtaas ng HIV cases.
- Latest