^

Police Metro

Mister sinaksak ng lover ni misis na tomboy

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa malubhang ka­lagayan ang isang 32-an­yos na overseas Filipino worker (OFW) nang saksakin ng tomboy na lover ng kanyang misis  kamakalawa sa bayan ng Pateros.

Ang biktima na ni­la­lapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ay kinilalang si Rodolfo Dacuma, isang OFW buhat sa Saudi Arabia.

Ang suspek ay kinila­lang si Delia Enriquez, 30, ng Sitio Pagkakaisa St., Brgy. Sta. Ana.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang komprontahin ng suspek ang misis ng biktima na si Jennelyn dahil sa iniiwasan na siya nito simula nang dumating mula sa Saudi ang biktima nitong Pasko.

Nakita ni Rodolfo ang komprontasyon ng suspek at misis kaya’t  nakialam ito, subalit  agad na bumunot ng patalim si Enriquez at pinagsasaksak ang una.

Sumigtaw ng saklolo si Jennelyn kaya’t tinutukan siya ni Enriquez ng patalim at hinostage ang dalawang anak. 

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Pateros Police at nagkaroon ng isang oras na negosasyon bago napapayag si Enriquez na pakawalan ang mga hostage at sumuko.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BATAY

DELIA ENRIQUEZ

ENRIQUEZ

JENNELYN

PATEROS POLICE

RODOLFO DACUMA

SAUDI ARABIA

SITIO PAGKAKAISA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with