^

Police Metro

P4.15/KWH power rate hike pinigil ng SC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malaking regalo ang ibinigay ng Supreme Courtsa publiko nang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang pagtaas ng singil ng kuryente ng Energy Regulatory Commission (ERC)  at Manila Electric Company (Meralco).

Ito’y sa pagsaklolo na rin ng Korte Suprema  sa pamamagitan ng inisyung resolusyon ni  Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno kahapon na 60-days temporary restraining order  (TRO) laban sa pagpapatupad ng power rate hike.
Si Sereno ang nag-isyu ng resolusyon sa rekomendasyon ng ponente ng kaso na si  Associate Justice Marvic Leonen, kaugnay sa petis­yong inihain ng  Bagong Alyan­sang Makabayan at  National Association of
Electricity Consumers for Reforms (NASECORE).

Gayunman, ang TRO ay isusumite pa sa  Cour­t en banc  para sa kumpirmasyon at pagbabalik ng sesyon sa Enero 2014.

“Now, Therefore, effective immediately and for a period of 60 days, (1) respondent Energy Regulatory Commission, its agents, representatives, or persons acting in its place  and stead, are hereby enjoined from implemen­ting its December 9, 2013 Order and acting further on the letter-request of Meralco dated December 5, 2013, and  (2) respondent Meralco, its agents, representatives, or persons in its place and stead, are hereby Enjoined from increasing the rates it charges to its consumers based on the matters its raised in its
December 5, 2013 letter,” saad sa resolusyon ni Sereno.

Iniutos din nito ang pagsasagawa ng  oral
arguments  upang dinggin ang isyu sa Enero 21.
Inaatasan din ang ERC at  Meralco na isumite ang kani-kanilang komento para sa magkakahiwalay na petisyon bago sumapit ang Enero  8, 2014.

Bukod pa rito ay inaatasan din ang mga respondent na personal na bigyan ng kopya ng kanilang  komento ang mga petisyuner.

Una nang nagpetisyon ang ilang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso sa SC laban sa nasabing pagtataas.

Ikalawang petisyon kaugnay nito ang inihain sa SC ng  NASECORE group na kumukuwestiyon sa  P4.15/kilowatt hour po­wer rate hike na sinasabing mararamdaman ng mga consumer dapat ngayong buwan.

Iginiit ng mga petis­yuner na nalabag ang consumers right to due process dahil walang naging notice o hearing sa rate hike proposal ng Meralco at anumang advisory o publication sa mga pahayagan.

 

ASSOCIATE JUSTICE MARVIC LEONEN

BAGONG ALYAN

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES ARANAL-SERENO

ELECTRICITY CONSUMERS

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ENERO

KORTE SUPREMA

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with