^

Police Metro

Nanay, 3 paslit patay sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay na magka­yakap sa banyo ang isang nanay at tatlong anak nitong paslit matapos na lamunin ng apoy ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Ang mag-iina na nasawi sa suffocation ay kinilalang sina Blitz Santos 44, mga anak na sina Andrei Calunsod, 4; Yui, 2; at Chelsea, 1.

Sa ulat ng Mandalu­yong Fire Station, dakong alas-8:50 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa sala ng bahay ng mga Calunsod na matatgpuan sa  San Roque Street, Brgy. Ilaya.

Sa imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy sa mga light mate­rials na maaaring nataranta umano ang mag-iina dahil sa kapal ng usok at inakala ng ina na pinakaligtas sa kanila ang banyo sa bahay kaya’t doon sila pumasok at hindi nakalabas dahil ang bintana ng banyo ay may grills kaya’t nasawi ang mga ito sa matinding suffocation. Naapula ang sunog dakong alas-9:25 ng gabi.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog at nasa P500,000 ang tantiyang halaga ng ari-ariang natupok at patuloy ang imbes­tigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Samantala, dakong ala-1:10 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa isang bodega sa Pascor Drive sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque City.

Nag-umpisa ang apoy sa bodega ng Maldive Trading Corporation, distributor ng mga glassware at nadamay ang dalawa pang maliit na gusali at dalawang bodega. 

Umaabot naman sa 100 kabahayan ang natupok sa isang residential area sa Brgy. Talon 4, Las Piñas, dakong alas-7:10 ng gabi at umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago naapula dakong alas-10:00 ng gabi.

ANDREI CALUNSOD

BLITZ SANTOS

BRGY

FIRE STATION

LAS PI

MALDIVE TRADING CORPORATION

MANDALUYONG CITY

SAN ROQUE STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with