Zambo mayor, misis, 2 pa utas sa NAIA ambush
MANILA, Philippines -Napatay sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang apat na katao na kinabibilangan ng isang mayor ng Zamboanga del Sur, misis nito at dalawa ng iba pa nang sila ay pagbabarilin kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Labangan, Zamboanga del Sur MaÂyor Ukol Talumpa, misis nitong si Lea, pamangkin na si Salipundin Talumpa, 25, at isang 18 buwang gulang na sanggol na si Phil Tomas Lirasan.
Malubhang nasugatan naman ang lima pang biktima na dinala agad sa mga ospital.
Sa inisyal na ulat, pasaÂdo alas-9:00 ng umaga nang dumating sa arrival area ng NAIA Terminal 3 ang pamilya Talumpa mula sa Zamboanga del Sur.
Habang nasa Terminal 3 Bay 1 dakong alas-11:20 nang pagbabarilin ng mga suspek na naka motorsiklo ayon sa mga saksi ay nakasuot ng uniporme ng pulis.
Tiyempo namang nasa arrival area rin ang pamilya ng biktimang si Lirasan na nadamay sa pamamaril.
Inamin naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Anghel Honrado, na walang “closed circuit television camera (CCTV)†na nakakabit sa lugar. Bigo rin naman ang Aviation Security Group (ASG) na madakip ang mga salarin na tumakas lulan ng isang motorsiklo.
Lumalabas sa imbesÂtigasyon na hindi lang ito ang kauna-unahang pagtangkaan ang buhay ni Talumpa.
Noong Nobyembre 2010 noong si Talumpa ay vice mayor pa ay inambus na rin ito habang kasama ang dalawang anak sakay ng kulay silver na Toyota Vios (MQM 148) sa tapat ng condominium building sa Malate, Maynila
Noong 2012, ay nasugatan ang police escort ni Talumpa na si PO1 Mohamad MaÂngumpara nang sumabog ang isang granada na inihagis sa kanyang sasakyan habang nakaparada sa labas ng recruitment agency sa San Pedro St., Pagadian City.
Si Talumpa kasama ang misis ay nasa loob ng sasakyan nang sumabog ang granada na nasa labas ng sasakyan.
Sa nasabing taon ay may bahid pulitika dahil sa plano ni Talumpa na tumakbong mayor laban sa noon ay incumbent na si Mayor Wilson Nandang.
- Latest