Davao Oriental niyanig ng 5.7 magnitude na lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ang Davao Oriental ng 5.7 magnitude na lindol kahapon ng alas-7:58 ng umaga.
Iniulat ng Philippine Institute of VolcanoÂlogy and Seismology (PHIVOLCS) na ang lindol ay naramdaman sa lakas na intensity 5 sa Davao City, Mati, Davao Oriental habang niyanig ng intensity 4 ang Digos City, Don Marcelino at Malita, Davao del Sur, Caraga, Davao Oriental.
Naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa Tagum City, Panabo City, Compostela Valley, MataÂn-ao, Davao del Sur, Butuan City, Kidapawan City at naitala naman ang intensity 2 sa San Francisco, Agusan del Sur, Cotabato City, Gen.Santos City, Koronadal City, Polomolok, South Cotabato, Alabel, Sarangani, Matalam, North Cotabato.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 52 kilometro.
Walang iniulat na napinsala sa naturang lindol ngunit kinumpirma ng Phivolcs na may mga inaasahang afterschocks.
- Latest