^

Police Metro

Intsik tiklo sa P182-M shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasakote ng mga otoridad sa isang drug bust operation ang isang big time Chinese drug dealer at helper  nito at nasamsam ang 36.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P182-M kamakalawa sa Mexico, Pampanga.

Ang mga suspek ay kinilang sina Ding Wenkun, 30, tubong China at helper nito na si Roel Cabag.

Batay sa ulat bandang alas-5:00 ng hapon nang salakayin ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office ang   Lakeshore Subdivision na tinutuluyan ng mga suspek.

Bago ang pagsalakay ay nakatanggap ng tip ang mga operatiba ng Mexico Police hinggil sa illegal na pagbebenta ng nasabing Chinese ng droga.

Agad nagsagawa ng operasyon ang Provincial Task Force on Illegal Drugs at ang PDEA Region 3 na nagresulta sa pagkakasamsam ng 16.5 kilo ng shabu na nakatago sa suitcase ni Wenkun at 20 kilo nang halughugin ang bahay nito.

Nabatid na ang nasabing Chinese ay pumasok sa Pilipinas noong Oktubre 29 ng taong ito.

vuukle comment

BATAY

DING WENKUN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LAKESHORE SUBDIVISION

MEXICO POLICE

NABATID

NASAKOTE

PROVINCIAL TASK FORCE

REGIONAL OFFICE

ROEL CABAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with