^

Police Metro

9 pasahero ng bus hinoldap

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na pasahero ng pampublikong bus ang hinoldap ng tatlong lalaki na nagpanggap na pasahero  kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Sa salaysay sa pulisya ng mga biktima na ka­ramihan ay call center agents na sakay sila ng Metro Link bus (TVX 692) na may biyaheng Malanday-Cavite dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspek pagliko sa Roxas Boulevard patungo sa Baclaran.

Tinutukan ng baril ng isa sa mga holdaper ang bus driver na si Joseph Redera habang dalawa sa kanyang mga kasamahan ang isa-isang sinamsam ang salapi, cell phone ang iba pang personal na gamit ng mga pasahero.

Bumaba ang mga suspek sa paanan ng flyover sa Baclaran area at nagtakbuhan patungo sa hindi nabatid na lugar.

Nakilala sa rouge gallery ng Pasay Police, ng biktimang si Lexdel Espinoa, 39, waiter ang isa sa mga holdaper na si Efren Baltazar. 

Nabatid na dati nang nadakip si Baltazar at nakulong sa Pasay City Jail dahil sa kasong panghoholdap.

vuukle comment

BACLARAN

EFREN BALTAZAR

JOSEPH REDERA

LEXDEL ESPINOA

METRO LINK

PASAY CITY

PASAY CITY JAIL

PASAY POLICE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with