Budget ng opisina ni VP Binay aprub agad
MANILA, Philippines - Walang kahirap-hirap na inaprubahan ng Senado ang panukalang P217 milyong budget ng tanggapan ni Vice President Jejomar Binay para sa 2014 kahit hindi ito nakarating sa budget deliberation.
Nabatid na ang anak ni Binay na si Senator Nancy Binay ang nakiusap sa mga kasamahang senador na aprubahan na ang budget ng Office of the Vice President kahit pa hindi ito nakarating sa Senado.
Ang orihinal na panukalang budget para sa tanggapan ng bise presidente ay P417 milyon, pero tinanggal dito ang P200 milyon na pork barrel base na rin sa kahilingan ni Vice President Binay.
Sa pagsisimula ng pagdinig tinanong ni Senate President Franklin Drilon kung aaprubahan ang budget ng Vice President dahil kalimitan na ay dapat humaharap sa hearing ang head ng mga tanggapan ng gobyerno.
Pero nakiusap si Senator Binay na kung maari ay aprubahan na ang panukalang budget para sa opisina ng kanyang ama dahil baka hindi siya makauwi sa tahanan nito kung saan doon pa rin umano siya nakatira.
- Latest