80 missing... Death toll sa ‘Yolanda’:2,275 na
MANILA, Philippines - Nasa 2,275 ang naitatalang nasawi, 3,365 ang nasugatan habang nasa 80 ang nawawala sa pananalasa ng super bagyong Yolanda sa Visayas Region partikular sa Leyte at Samar.
Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and MaÂnagement Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na taliwas sa naunang napaulat na espekulasyon na posibleng umabot sa 10,000 ang nasawi na pinagdududahan din ni Pangulong Benigno Aquino III.
Idinagdag pa ng opisÂyal na may protocol silang sinusunod sa NDRRMC na tanging ang mga narerekober lamang na bangkay ang maaring bilangin at hindi dito kabilang ang mga sabi-sabi lamang na hindi naman natagpuan.
Ang pinakamalaking bilang ng mga nasawi ay mula sa Tacloban City, lalawigan ng Leyte.
Umaabot naman sa P761,400,371.89 ang pinsala ng super bagyo kung saan P560 milyon dito ay mula sa sektor ng agrikultura.
- Latest