^

Police Metro

P.6-M natangay... 2 pasahero pinatulog ng taxi driver

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang pasahero ang nabiktima ng bagong modus operandi ng  mga taxi driver matapos na mahilo at maka­tulog nang makalanghap ng isang uri ng kemikal na inisprey habang sila ay nasa loob ng taxi nito.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Mary Grace Reyes, 39, dalaga, general manager ng Crea­tech Wellness Corporation at Phtwo Chua, 23, branch manager ng nasabi ding kompanya at kapwa residente ng Unit 18-E Tower B Kingswood Condominium, Brgy. Lapaz, Makati City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 8:30 ng gabi nang nanlalambot na magtungo sa himpilan ng pulisya sa Silang, Cavite ang dalawang biktima at iniulat ang ginawa sa kanila ng taxi driver.

Sa salaysay ng dalawang biktima, dakong ala-1:00 ng hapon nang sumakay sila ng taxi sa Makati na may dalang P600,000.00 na kinita upang iremit.

Nagpahatid umano sila sa Primo River Ma­kati at habang nasa biya­he ay nakaramdam sila ng sobrang pagka-antok hanggang sa kapwa makatulog.

Dakong alas-8:15 ng gabi nang sila ay magi­sing sa isang liblib na lugar at napag-alaman na iyon ay nasasakupan ng Brgy. Kaong, Silang, Cavite at wala na rin ang dala nilang pera, cellphones, bag at mga personal na gamit sa katawan.

Inilarawan nila ang taxi driver na nakasuot ng itim na sumbrero, t-shirt at tinatayang may taas lamang na 5’0”. Habang ang taxi naman ay luma na at pinturang kulay pula ang mags ng gulong nito.

Dinala naman sa University Medical Center ang dalawang biktima upang alamin kung anong klaseng kemikal ang nalanghap.

BRGY

CAVITE

E TOWER B KINGSWOOD CONDOMINIUM

MAKATI CITY

MARY GRACE REYES

PHTWO CHUA

PRIMO RIVER MA

SILANG

UNIVERSITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with