^

Police Metro

Ginulpi at binaril... Bagets pinatay ng apat

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagtulungang gulpihin ng apat na katao ang isang 16-anyos na binatilyo at pagkatapos ay binaril matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Christian Tecson, ng 1768 Simon St., Samplaoc, Maynila.

Ang mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang sina Jeremy John Reyes, 20 ng 1035 C. Antipolo St., Tondo; Doods Cortez, 20 ng 1035 Int. 10 Antipolo St., Tondo; isang Hector Salazar at isang alias Bernok.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-6:15 ng gabi sa New Antipolo St., Tondo, Maynila ay nakasagutan ng biktima ang nobya ng suspek na si Reyes.

Umalis ang babae at nagsumbong kay Reyes na noon ay nakikipag-inu­man  sa kanyang  tropa na siya ay binu-bully ng biktima.

Kaagad na tumayo ang mga suspek at kanilang kinompronta at gulpihin ang biktima at pagkatapos ay binaril nila ito.

Nang bumulagta ang biktima ay isa-isang nagpulasan ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital, subalit namatay din ito.

vuukle comment

ANTIPOLO ST.

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CHRISTIAN TECSON

DOODS CORTEZ

HECTOR SALAZAR

JEREMY JOHN REYES

MAYNILA

NEW ANTIPOLO ST.

REYES

SIMON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with