^

Police Metro

Dalagita patay sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 14-anyos na dalagita makaraang madaganan ng bumagsak na bahagi ng kanilang bahay habang nilalamon ng apoy sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si April Rose dela Rosa, nakatira sa  #24 Lilac St., Republic Avenue, Brgy. West Fairview, Quezon City.

Nabatid na ang sunog ay sumiklab dakong alas-2:00 ng madaling araw na nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.

Ayon kay Tony Minguillo, kaanak ng biktima, walang supply ng kuryente sa lugar nang maganap ang sunog na posible umanong natumbang kandila ang dahilan.

Sinabi ni Tony, nakita na niyang nakalabas ng nasusunog na bahay ang biktima pero muli itong bumalik para kunin ang mahalagang gamit pero nadaganan ito ng bumagsak na kahoy hanggang tuluyang masunog.

Gawa lamang sa light materials ang bahay ng biktima kaya mabilis na nilamon ng apoy na tumagal lamang ng 30 minuto.

vuukle comment

APRIL ROSE

AYON

BRGY

GAWA

LILAC ST.

NABATID

QUEZON CITY

REPUBLIC AVENUE

TONY MINGUILLO

WEST FAIRVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with