^

Police Metro

PNoy maagang dumalaw sa puntod ng mga magulang

Rudy Andal, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang bumisita sina Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga kapatid sa puntod ng yumao nilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Dakong alas-9:30 ng umaga nang dumating ang Pangulo kasama ang mga kapatid na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, Viel Aquino Dee at Kris Aquino sa museleo ng pamilya Aquino kung saan nakahimlay ang mga labi ng kanilang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Benigno Aquino, Jr.

Nagdaos ng misa ang pamilya Aquino sa pamamahala ni Rev. Fr. Daniel Tansip at nag-alay ng kandila at nakagawiang dilaw at puting mga bulaklak.

Sumentro naman ang mensahe ng misa sa pag-alala sa kabayanihan ng dating Pangulong Cory at dating Senador Ninoy.  Dapat aniyang makilala, maalala at hindi makalimutan maging ng mga kabataan ang mga kontribusyon ng dalawang importanteng tao na nagbigay inspirasyon sa buhay ng mga Pilipino.

Nauna nang inihayag ng pamilyang Aquino na magiging pribado lamang ang gagawing pagbisita sa puntod ng kanilang mga magulang kaya’t walang kasamang miyembro ng gabinete ang Pangulo nang magtungo ito sa nasabing sementeryo.

Bandang alas-11:00 ng umaga nang makaalis ang magkakapatid sa sementeryo.

vuukle comment

AQUINO

BALLSY CRUZ

DANIEL TANSIP

KRIS AQUINO

MANILA MEMORIAL PARK

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

PANGULONG CORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with